Nang dahil sa kahirapan

ANG buong bansa ay nalulungkot at nagluluksa dahil tatlong kababayan natin ang nakatakdang bitayin sa China dahil sa kasong droga.

Unang nalulungkot ang Pangulong Noynoy Aquino pero tulad natin, ang China ay may sariling batas na dapat igalang.

Ginagawa lahat ng gobyerno ang nararapat, ngunit iginiit ng Kataas-taasang Korte ng China na ‘guilty’ ang tatlo.

Ang mga nasabing Pinoy – dalawa sa kanila’y babae – ay nahulihan ng kilo-kilong cocaine noong 2008 sa airport ng China.

Ayon sa mga kaanak ng tatlong bibitayin, sila’y mga biktima raw ng international syndicate  na nagpapadala ng droga sa ibang bansa.

Dahil sa hirap ng buhay, maraming kababayan natin ang nagpapagamit sa sindikato na ito kapalit ng pera.

Sang-ayon sa Philippine Drugs Enforcement Agency, matagal nang nag-ooperate ang nasabing international syndicate.

Ngunit kamakailan, dumarami ang nadarakip dahil nabuking na ng awtoridad ng ilang bansa ang modus operandi ng sindikato.

Sa totoo lang, napakarami na palang Filipino ang nakakulong sa iba’t ibang bansa dahil sa pagdadala ng droga sa airport.

At sa kuwento ng mga nadakip na nakakulong na sa mga piitan sa ibang bansa, kahirapan ang nagtulak sa kanila sa drug smuggling.

Ngunit ‘di nila naisip na ang katiting na perang matatanggap mula sa sindikato ay habang buhay nilang pagkabilanggo.

At kung minamalas pa ay buhay ang kapalit dahil sa parusang kamatayan.

Sana’y magsilbing aral para sa mga kababayan natin ang parusang kamatayan na iginawad ng pamahalaang China sa tatlong Pinoy.

Na kung sana’y inisip nilang masama ang drug smuggling, ‘di sana sila ngayon ang laman ng mga ulat sa TV, radyo at pahayagan.

Maj. Castil at Sgt. Adlawan

Dapat rendahan ni DILG Sec. Jesse Robredo ang isang Maj. Castil at Sgt. Adlawan na gumagamit sa kanya sa pangongotong.

Aba’y itong sina Castil at Adlawan, umiikot daw sa buong Metro Manila at nanghihingi ng ‘tong’ sa mga iligal.

Ang nagsusumbong sa Chokepoint sa gawain ng dalawang ito, naku eh, mga kapwa nilang pulis diyan sa DILG. Nakasisira raw kasi sina Castil at Adlawan sa imahe ng DILG.-Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply