Nangulila sa nanay nagbigti

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbibigti gamit ang kable ng antena ang isang binatilyo dahil sa labis na pangungulila sa kanyang ina na matagal na niyang hinahanap sa Malate, Maynila, Martes ng umaga, Pebrero 15.

Kinilala ni MPD-Homicide Section Police Chief Inspector Armand Macaraeg ang biktima na si Brian Agramon, 19, ng 584-64 San Andres st., Malate.

Sa report ni SPO3 David Tuazon, 8:14 ng umaga nang magpatiwakal si Agramon sa loob ng kanyang kuwarto sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nabatid sa imbestigasyon na dumating ang biktima sa kanilang bahay alas- sais ng umaga saka dumiretso sa kanyang kuwarto.

Bago ang insidente, nabatid sa kapatid ni Agramon na si Cherryann na nabanggit ng biktima ang matagal nang pangungulila nito sa kanilang ina.

Umiyak pa umano ang biktima saka siya pinalabas ng kuwarto  dahil gusto nitong mapag-isa.

Pero makalipas ang ilang oras ay nakarinig siya ng malakas na kalabog at nang kanyang puntahan ay naabutang nakabigti na ang biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply