Nanira kay Reyes pinatawad na ng pamilya

NAPATAWAD na ng pamilya Reyes ang lahat ng taong nanira kay dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Angelo Reyes.

Ayon kay Mrs. Teresita Reyes, asawa ng heneral, nais ng kanilang pamilya ng katahimikan kaya pagkalibing kay Reyes ay kalilimutan na nila ang lahat ng mga nangyari.

Masakit umano sa kanila ang naganap na trahedya pero tanggap na nila ang mga nangyari at nirerespeto nila ang desisyon ni Reyes na wakasan ang kanyang buhay.

Bahagyang nakabawas umano ng sakit ang pagiging medyo balanse na ang public perception sa kanya.

Gayunman, posibleng ipatawag ng Department of Justice ( DOJ) ang pamilya ni Sec. Reyes, kaugnay sa hiwalay na imbestigasyon nila sa kaso ng katiwalian sa militar.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, naghihintay pa sila ng mga karagdagang ebidensiya hinggil sa expose ni dating military budget officer George Rabusa.

Nakikiramay umano sila sa sinapit ng dating kalihim pero mahalagang ituloy pa rin ang imbestigasyon sa mga kaso ng korapsyon sa AFP.

Sa Senado, bahagyang “lumambot” si Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada sa pagdidiin sa namayapang kalihim nang kontrahin ang mungkahi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na imbitahan ang pamilya ni Reyes.  Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply