Nanulak sa anak sinapak, itay niratrat

KRITIKAL ang isang mister habang sugatan ang kapitbahay nito matapos pagbabarilin ng taong sinapak ng una matapos itulak ang kanyang anak habang naglalaro sa Valenzuela City Lunes ng gabi.

Isinasailalim pa sa masusing gamutan sa Valenzuela General Hospital dahil sa tama ng bala sa dibdib si Joel Santiago, 29, ng C. F. Natividad St.,  Barangay Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Fatima Medical Center matapos mahagip ng bala sa puwet si Rudy Bombita, 31, at kapitbahay ng una.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Eduardo Feliciano, 43, kalugar ng mga biktima.

Batay sa ulat ng pulisya,  dakong alas-7:35 ng gabi, may kausap si Santiago na isang kaibigan malapit sa kanilang bahay nang sumulpot  ang suspek na may hawak na  baril.

Dahil dito, tumakbo si Santiago subalit hinabol ito ng mga putok hanggang bumulagta. Nahagip naman ng ligaw na bala si Bombita  na noon ay naglalakad sa hindi kalayuan.

Nabatid na bago ang insidente, sinapak ni Santiago si Feleciano matapos itulak ang kanyang anak habang naglalaro sa may kalsada. Grande del Prado

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply