Nasaan ang programa para sa trabaho at OFWs?

NAPAKALAKING leksyon ang inihahatid sa atin ng kaguluhan sa Libya.

Pinipilit tayong mag-isip at kumilos ukol sa ekonomiya ng repablik ni Juan.

Sa ngayon, tinatayang nasa 30,000 ang ating mga overseas Filipino worker sa Libya. Napilitang lumayas ang ating mga OFW at napadpad sila sa Libya dahil sa kawalan o mababang kalidad ng hanapbuhay  ng mga obrero sa atin.

Ano-ano ngayon ang mga tugon natin sa problema ng mga OFW sa Libya?

Palawigin natin ang usapan. Paano ang paglayas din ng iba pa para maging OFW sa iba pang mga bansa?

At paano ang paglaganap ng kaguluhan sa Gitnang Silangan batay na rin sa mga balita na tumitindi ang gulo sa Bahrain at Yemen samantalang nagsisimula na ring magkaroon ng kaguluhan ang mga bansang Qatar, Algeria, Iran at Iraq? Eh kung  magkagulo rin sa Saudi Arabia na may milyones na OFW?

oOo

Nakatatakot at nakababangungot, Suki, ang ganitong kalagayan.

Pero paano kung magkatotoo ang ating iniisip na paglawak ng kaguluhan sa mga bansang Arabo? Dito tayo mapipilitan na mag-isip kung ano ang gagawin natin sa kalahati ng nasa 13 milyong OFW na nakakalat sa mga bansang Arabo.

Tiyak namang sasakit ang ulo ng ating mga pinuno sa ganitong sitwasyon.

Ito’y dahil sa hindi lang naman ang mga OFW ang apektado at maghihirap kundi ang kanilang milyon-milyong miyembro ng pamilya.

Ano-ano na ba ang mga naiisip ng mga onorabol na panakip-butas o kaya’y ganap na paglutas sa matinding problema sa empleyo sa atin?

Isipin nating bilyon-bilyong pisong pondong bayan ang nilalaspag o ibinubulsa ng mga onorabol.

Mayroon na bang mga programa laban sa mga ito para may mailaan na pondo sa mga pamilyang OFW?- Rey  Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply