Nasawi sa NZ quake umakyat na sa 123

UMABOT na sa 123 ang nasasawi sa lindol na tumama sa Christchurch City, New Zealand nitong nakaraang linggo.

Ito ang kinumpirma ni Supt. Dave Cliff, district commander sa Catenbury base, matapos ang isinasagawang rescue operation ng mga awtoridad.

Maraming tao ang naipit at natabunan ng mga nawasak at gumuhong gusali nang tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa business center ng nasabing bansa.

Sa ngayon ay hindi pa rin isinasapubliko ang mga panganlan ng mga casualties.

Samantala, patuloy pa rin ang search and rescue operation sa mga nawawala at sentro pa rin ng paghahanap ang Catenbury TV (CTV) at ang PCG building. Bineza Zapanta

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply