Nasawing raliyista sa Bahrain at Libya, tumataas

TUMAAS pa ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa isinagawang kilos-protesta sa Libya at Bahrain.

Naitala ang nasawi sa Libya sa 35 habang 500 ang sugatan sa Benghazi makaraang magkasagupa ang awtoridad at raliyista sa mismong harapan ng bahay ni Libyan leader Mommar Ghadafi.

Nabatid na halos 100 na ang nasasawi sa isang linggong kilos-protesta sa Libya habang sa Bahrain naman ang naitala ay 50 kataong sugatan makaraang barilin ng security forces ang mga nagpoprotesta noong nakaraang araw.

Pito rin ang patay sa pag-aaklas sa Bahrain.

Kaugnay nito, agad na kinondena ni US President Barack Obama ang nangyayaring karahasan ngayon sa ilang Arab nations. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply