NAT ipinagpaliban ng DepEd sa Marso 14

IPINAGPALIBAN ng Department of Education (DepEd) ng 10 araw ang nakatakdang National Achievement Test (NAT) para sa lahat ng estudyante sa Grade 6 sa buong bansa.

Sinabi ni DepEd  Secretary Bro. Armin Luistro  na hindi muna maitutuloy sa Biyernes (Marso 4) ang NAT bunsod ng  umano’y ‘delivery related concerns’.

Sa halip na sa Marso 4, itutuloy sa  Marso 14 ang nasabing pagsusulit  sa  lahat  ng  Grade  6 na  mga  mag – aaral  na  magtatapos  ng  elementarya.

Ang NAT ay pinamamahalaan ng DepEd sa pamamagitan ng National Education Testing and Research Center (NETRC).  Ginagawang batayan ang resulta ng NAT kung dapat makatuntong sa secondary o high school ang isang mag-aaral  na  makakatapos  ng  elementarya .

“It will be administered to all Grade 6 pupils both from public and private elementary school nationwide,” ani Luistro.-Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply