National land use bill posibleng mailusot

KUMPYANSA si Camarines Sur Representative Diosdado “Dato” Macapagal Arroyo na mailulusot ngayong taon ang malinaw at makatwirang polisiya sa paggamit ng mga lupain ng pamahalaan.

Sa harap na rin ito ng nahahakot na suporta para sa panukala mula sa iba’t-ibang partido sa Mababang Kapulungan.

“The absence of a national land use policy has made it difficult for the country to achieve a rational, holistic and just allocation of its vast land resources,” ani ni Arroyo, may-akda ng House Bill 829 o ang National Land Use Act.

Sa ilalim ng HB 829, kung saan ay kapwa niya may-akda si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, mismong ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang pangunahing ahensya na magpapatupad nito.

Layon ni Arroyo na solusyunan ang matagal nang palpak na sistema ng pangangasiwa sa pambansang lupain at ari-arian.

“While previous efforts of various sectors and stakeholders to efficiently manage and exploit land resources have been commendable, they were just not enough,” diin ng mambabatas.

“This bill aims to standardize the classification of land based on protection land use, production land use, settlements development and infrastructure development, so that programs can be devised according to the specific requirements of each,” dagdag ni Arroyo.

Itinatadhana rin sa HB 829 ang paglikha ng National Framework for Physical Planning (NFPP) upang magsilbing pangmatagalang panuntunan sa magiging direksyon ng gagawing pagpapaunlad ng national land at iba pang pisikal na ari-arian ng bansa.

May papel din ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo at implementasyon ng mga polisiya upang masigurong makikinabang din ang grass roots level.

Tinatrabaho na ng technical working group (TWG) ng House special committee on land use ni Rep. Jeffrey Ferrer ang pag-iisa sa walong magkakahiwalay na panukala hinggil sa naturang usapin. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply