Nawalang singsing ni Anne babayaran ng Cathay Pacific

ALL’S WELL well that ends well ang tungkol sa ‘ninakaw’ na singsing ni Anne Curtis sa eroplano na naiwan niya sa pagmamadali.

Pumayag na ang airline company ng Cathay Pacific na i-compensate ang halaga ng ring at nalulungkot din daw ang management sa nangyari.

“At least, iko-compensate naman nila. Of course, hindi na mababalik ’yung ring, kasi nawala na, pero okay naman sa akin na iko-compensate nila,” sey ni Anne nang makausap namin.

Matatandaang nawala ang David Yurman amethyst ring ni Anne worth $600 paglapag ng eroplano sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport). Galing ang young actress that time mula sa taping ng Green Rose sa Korea.

Ang naturang singsing ay binili niya sa Duty Free ng Hong Kong airport since nag-stop-over ang grupo ng Green Rose sa nasabing bansa pabalik ng Pinas.

Sa airplane pabalik ng ’Pinas ay inilagay niya ang paper bag na naglalaman ng David Yurman ring sa footrest. Nang lumapag ang plane ay nakalimutan niya itong kunin at naaalala niya nang nasa baba na siya sa immigration.

“So, nang maalala ko, tumakbo na agad ako pabalik ng plane, wala pang nakakasakay sa plane, wala na du’n ‘yung bag.

And then after an hour, na super nag-iiyak na ako, nahanap ng cleaner ’yung bag in a blanket compartment, wala na ’yung box. After mga 15 minutes, nahanap ‘yung box sa kabilang compartment naman ng eroplano, wala na ‘yung ring. So, in-ano (ninakaw) talaga,” kuwento ni Anne.

Pati raw mismo ang management ng Cathay Pacific ay nalulungkot din sa nangyari at hindi rin inaasahang mangyayari iyon kaya naman willing naman daw ang mga ito na ibalik ang halaga ng ring.

Iniyakan ni Anne ang ring pero naka-move-on na raw siya ngayon at hindi na rin siya magpa-file ng case since nakipag-settle naman ang Cathay Pacific. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply