NBI: Asawa ng bibitayin tetestigo vs drug ring

TATAYONG pangunahing testigo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang asawa ng bibitaying overseas Filipino worker na si Sally Ordinario-Villaueva dahil nakita niyang iniaabot sa kanyang misis ang portfolio na naglalaman ng droga bago umalis ng Pilipinas patungong China.

Ayon kay Deputy Director for Intelligence Services Atty. Ruel Lasala, inimbitahan na nila si Hilarion, mister ni Villanueva, sa NBI para magbigay ng testimonya.

Si Tita Nera Cacayan, 54, at umano’y miyembro ng West African Drugs Syndicate (WADS) na nag-recruit kay Sally ay una nang itinuro ni Hilario  na nagbigay ng portfolio sa kanyang asawa na si Sally.

Umaasa si  Lasala na makikipag-cooperate sa NBI si Hilarion, kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon para maestablisa ang mga taong pinagkukunan ng droga.

Tumanggap umano ng impormasyon ang NBI mula sa mga Filipino na nahaharap sa kasong drugs sa China, na si Cacayan ang itinuturong nag-recruit sa kanila.

Iginiit ni Cacayan na kamag-anak siya ng pamilya ni Sally at iginiit na siya ay inosente.

Ito ang dahilan kaya sumama siya sa operatiba ng NBI na kumuha sa kanya sa bahay sa Barangay Rizal, Alicia , Isabela para linawin ang kanyang pangalan.

Kaugnay nito, hinihintay pa ng naturang ahensya ang ilan pang kamag-anak ng ibang Filipino na nakadetine sa China sa kasong drug trafficking para magbigay ng kanilang pahayag. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply