NBI mag-iimbestiga lamang kay Reyes kung hihilingin

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) na magsasagawa lamang sila ng imbestigasyon sa pagpapakamatay ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Angelo Reyes kung hihilingin ng kanyang pamilya o atasan ng mataas na awtoridad.

“Waiting pa sa instruction,” ayon kay NBI Director Atty. Magtanggol Gatdula.

Sinabi ni Senior Investigator IV Cecilio Zamora, spokesman ng NBI, na hindi pa umano nag-request ang pamilya Reyes sa NBI na magsagawa ng awtopsiya.

Dagdag pa ni Zamora, wala pa umanong natatanggap ang kanilang ahensya na opisyal na kautusan mula sa Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ni Reyes. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply