NCR dinomina ang SCUAA National Olympics

SINAGAD ng National Capital Region (NCR) ang lahat ng events tungo sa pagkopo ng overall championships sa 2011 State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) National Olympics sa Melanio Singson Sports Complex sa Ilagan, Isabela.

Namayagpag ang mga atleta ng NCR sa loob ng limang araw na paligsahan na nilahukan ng 3,000 atleta mula sa 109 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Nakahablot ang NCR ng 57 gold medals, 28 silvers at 26 bronzes sa habang ang bakbakan sa segunda puwesto ay mahigpit na pinaglabanan ng Southern Tagalog (Region 4) at ng Central Luzon (Region 3) sa huling araw ng bakbakan.

Tangan ng Southern Tagalog ang 22 gold medals, 10 silvers at 37 bronzes habang kabig ng Central Luzon ang 21 gold medals, 19 silvers at 9 bronzes.

Malayong nasa ika-apat na puwesto ang Bicol Region 5 na may 10 gold medals, 9 silvers na sinusundan ng Western Visayas (Region 6) na may 8 gold medals, 15 silvers at 25 bronzes habang ang Cagayan Valley na kumatawan sa Region 2 ay nagsukbit ng 7 gold medals, 3 silvers at 10 bronzes.  RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply