NCRPO ‘full alert’ sa ika-25 anibersaryo ng EDSA revolt

ILALAGAY na sa “full alert” ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kapulisan sa Kamaynilaan para sa pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Edsa People Power sa Biyernes, Pebrero 25.

Ayon kay PNP spokesperson Senior Supt. Agrimero Cruz Jr., wala na munang vacation leave ang lahat ng mga miyembro ng NCRPO na ikakalat sa mga pagdarausan ng selebrasyon.

Sa gagawing “salubungan” o re-enactment ng People Power sa Biyernes ay makikiisa ang Philippine National Police (PNP).

Ani Cruz, lalahukan ito ng 1,000 pulis at mga tangke mula sa Special Action Force (SAF).

Magsisimula umano ang pagsasadula sa Kampo Crame at magtatapos sa People Power Monument sa Edsa.

Bukod sa  PNP ay lalahok din ang mga sundalo sa pagsasadula ng salubungan, ayon kay Brig. Gen. Tristan Quizon, hepe ng Armed Forces National Capital Region Command.  Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply