Negosyante inambush sa Mindanao, patay

PATAY ang isang negosyante nang hindi pa nakilalang salarin sa Central Mindanao.

Batay sa report ni 6th ID spokesman Col. Prudencio Asto, nasawi si Oliver Guiamban, 33, may negosyong buy and sell sa Brgy Basak, Lebak Sultan Kudarat.

Nabatid pa sa inisyal na report, papauwi na ang biktima galing Cotabato City nang tambangan ng mga armadong salarin sa Sitio Kurbada, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Agad namang rumesponde ang 6th IB at nagsagawa ng pursuit operation sa mga salarin makaraang makatanggap ng ulat kaugnay sa insidente.

Habang isinasagawa ang pursuit operation, nakatagpo ang mga ito ng abandonadong itim na Corolla vehicle na may plakang GCD 225 sa highway ng Barangay Dulangan, nasabing bayan kung saan narekoreber ang dalawang RPG.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply