Nene na tinamaan ng bala ng sumpak patay na

PATAY na ang batang tinamaan ng bala ng sumpak mula sa nagwalang kapitbahay noong Linggo sa Caloocan City.

Kaninang tanghali, Pebrero  22 nang bawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala ng sumpak sa ulo si Cassandra Ortiz, 4, ng Purok 4, Kawal, nasabing lungsod.

Dinakip naman si Anna Marie Punay, hustong gulang at ina ng suspek na si Aljon Punay, 23 kapwa kalugar ng biktima.

Lumalabas na isang Cabuang ang humiram ng sombrero kay Aljon subalit hindi na naibalik.

Dakong 1 ng hapon nitong Linggo, nagkita umano sina Aljon at Cabuang sa Purok 4, Kawal at nang sitahin ng una ang huli ay nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa umuwi ang suspek.

Pagbalik ng suspek ay dala na ang isang sumpak saka pinutukan si Cabuang subalit ang biktima ang tinamaan na naglalaro sa nasabing lugar.

Matapos ang insidente ay tumakas ang salarin.  Rene Manahan

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply