Neneng tigok sa binyag sa ilog

APAYAO – Biglang naglaho ang isang dalagita matapos masarapan sa paglulublob sa ilog na bahagi ng pagbibinyag sa kinaaaniban niyang sekta ng relihiyon nang tangayin ito ng agos.

Patuloy pang pinaghahanap ang katawan ng biktimang si Evelyn dela Cruz, 16 anyos, residente ng Nagattatan, Allacapan, Cagayan.

Ayon sa ulat, isa ang biktima sa mga itinakda para binyagan noong Linggo, Pebrero 20, ng Assembly of God sa Santa Marcela, Apayao.

Sa report na inihanda ni P/Sr. Insp. Cezar Malong, hepe ng PNP Santa Marcela, sinabi nito na matapos ang seremonya ng pagbibinyag ay nanatili sa ilog sa Brgy. Barukbuk ang ilang bininyagan at nagkatuwaang lumangoy. Huli na nang may makapansin na nawawala ang dalagita.

Tulung-tulong na naghanap ang mga naroon ngunit nabigo silang matagpuan si Evelyn na pinaniniwalaang tinangay ng agos.

Magkatuwang sa patuloy na paghahanap sa biktima ang mga kagawad ng pulisya at mga tauhan ng barangay. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply