NFA rice importer kinasuhan ng BIR

KINASUHAN sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang rice importer ng National Food Authority (NFA) dahil sa pagtatangka umano nitong takasan  ang kanyang natalong kaso at sa kabiguan na magbigay ng tamang impormasyon kaugnay sa kasong paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.

Kabilang sa mga kinasuhan sa DOJ sina Teresita Te, mayroong business at trade name na “Jevon Enterprises” sa H105 Monteverde Avenue, Davao City at Rainerio Gomez, independent CPA ng RM 202 Don Rafael Castillo Bldg, Legaspi City, Davao City.

Base sa impormasyon na nakuha ng BIR mula sa NFA, lumalabas na si Te ay nag-import ng bigas na nagkakahalaga ng P304,857,587.08 para sa taxable year na 2009.

Subalit idineklara lamang ni Te sa kanyang Financial Statements and Income Tax Return (ITR) ay nagkakahalaga ng P20,867,073.30 bilang kanyang total amount of purchases kaya nagresulta na underdeclaration ng kanyang kita na nagkakahalaga ng P315,430,199.42 kung saan 1,362 porsiyento na mas mababa sa kanyang deklarasyon.

Samantalang si Gomez naman ang nag-isyu ng unqualified opinion sa kanyang certification para sa financial statements ni Te para sa nasabing taxable year sa kabila ng substantial undeclaration ng kanyang report revenues o kita sa kasong paglabag sa Section 257 ng NIRC of 1997.

Si Gomez ay pang-apat na CPA na kinasuhan ng BIR sa ilalim ng RATE (Run After Tax Evaders) program.

Nakasaad pa sa datos na ang tinatayang defficiency tax liability ni Te para sa taxable period na 2009 ay P168,772,723.07 hindi pa kasama ang surcharges at interest. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply