Nietes vs Garcia sa Cebu

INAAYOS na ang pagkasa ng laban ni World Boxing Organization (WBO) mini-flyweight king Donnie Nietes kay interim WBO mini-flyweight champion Raul Garcia sa bansa at posible itong maisakatuparan sa Cebu City .

Ayon kay Michael Aldeguer, handler ni Nietes, malaki ang posibilidad na matuloy ito dahil interesado rin ang kampo ng Mehikano.

“There’s an 80 to 85 percent chance it might happen,” wika ni Aldeguer hinggil sa development ng negosasyon.

Matatandaan na sa tatlong depensa ni Nietes ay sa Mehiko ito isinagawa at ang mga Mexican challengers na sina Erik Ramirez, Manuel Vargas at Mario Rodriguez ay kapwa pinagdudurog niya.

Ayon sa kampo ni Nietes, ang pormal na lagdaan na lamang ang hinihintay nila para tuluyan itong maisakatuparan. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply