No. 2 most wanted sa Pampanga naglason bago maaresto

GUAGUA, Pampanga – Bumubula na ang bibig ng 39-anyos na lalaki na No. 2 most wanted sa lalawigang ito nang matagpuan matapos lumaklak ng isang boteng insecticide bago maaresto ng mga pulis sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Ascono, bayan ng Floridablanca.

Ayon sa ulat ni P/Chief Inspector, Miguel Guzman, hepe ng Guagua Police Staton, imbes na sa kulungan nila dalhin si Antonio Balasabas na may kasong rape ay idineretso nila ito sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital dahil bumubula na ang bibig nito matapos na lumaklak ng isang boteng Dencil Pest killer nang aarestuhin na ito ng Guagua police.

Ayon pa kay Guzman, nakatanggap sila ng tawag na ang matagal na nilang pinaghahanap na suspek ay nagtatago sa bayan ng Floridablanca.

Bitbit ang Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Maria Concepction Yumang ng Guagua Regional Trial Court ay tinungo nila ang lugar ng suspek ngunit nang matunugan umano nito ang kanilang pagdating ay naisipan nitong maglason sa takot.

Sa panayam sa suspek na nakaratay sa pagamutan, hindi siya naglason kundi napagkamalan niya itong tubig kaya niya ininom. Buddy Arevalo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply