Noise pollution tutuldukan

BATAY sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO), ang sobrang ingay ay labis na nakaaapekto sa kalusugan ng isang tao na abala sa kanyang araw-araw na gawain tulad ng pag-aaral, trabaho, gawaing bahay at maging sa pamamasyal, nakagagambala sa pagtulog, nakapagdudulot ng sakit sa puso, pag-iisip, nakapagbabawas ng lakas, gayun na rin sa pagbabago ng asal tulad ng pagkabugnot.

At ito ay ikinababahala  ni  Marikina Rep. Marcelino Teodoro na panganib na epekto ng polusyon sa ingay kapag hindi agad natugunan ng pamahalaan.

Dahil dito, inihain niya ang House Bill 1839 o “Anti-Pollution Act of 2010”, na naglalayong magpatupad ng regulasyon sa ingay at iangat ang kamalayan ng mamamayan sa panganib na dulot nito sa kalusugan.

Ayon sa mambabatas, nakalulungkot na walang umiiral na batas para matugunan ang polusyon sa ingay, na karaniwang hindi pinapansin ng karamihan.

Sinabi ng mambabatas na bagama’t may ilang umiiral na patakaran hinggil sa pangangalaga sa mamamayan laban sa ingay tulad ng Sec. 85 ng Presidential Decree 856 o Code on Sanitation sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang mga lungsod tulad ng Puerto Princesa sa Palawan at San Juan sa Metro Manila ay nagpairal ng ordinansa na nagsusulong upang labanan ang noise pollution.

Ayon pa sa mambabatas, may ilang panukalang batas ang inihain sa nakaraang 14th Congress nguni’t hindi naisabatas hanggang sa nagtapos na ang sesyon ng Kamara noong Hunyo 2010.

Sa ilalim ng panukala ni Teodoro, gagawaran ng mandato ang tanggapan ng Departments of Environment and Natural Resources (DENR), Health at Public Works and Highways, na mangangasiwa sa pagbalangkas at pagpapatupad ng komprehensibong anti-noise pollution framework at makikipag-ugnayan sa lahat ng ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor na may kaugnayan sa usapin.Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply