North Cotabato nasa ilalim ng state of calamity

IDINEKLARA kamakailan ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato ang state of calamity sa probinsya dahil sa sunud-sunod na pananalasa ng mga pesteng daga, black bug at borers sa mga taniman ng siyam na bayan dito at giyera sa dalawang barangay sa bayan ng Kabacan.

Dahilan din ng pagkasira ng mga tanim ang pagbaha sa ilang lugar doon.

Tinatayang nasa 1,400 ektarya ng pananim ang pineste ng daga sa bayan ng Kabacan, ang pinakaapektadong lugar kung saan nagaganap din ang giyera sa mga barangay ng Nangaan at Simone.

Dahil dito, 100 pamilya na ang lumikas sanhi ng mga nasabing kaguluhan.

Iniutos din ng Sangguniang Panlalawigan ang pagpapalabas ng kaukulang calamity fund upang pangtulong sa mga apektadong residente. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply