Norwegian, Pinay na suspek sa kidnap-slay case arestado

NADAKIP na ang itinuturong suspek sa pagkidnap at pagpatay sa anim na taong gulang na babae sa barangay Gibuangan, Barili, Cebu City.

Sa report, isang Norwegian national, 49 at isang Pinay na nasa 24-anyos ang nahuling suspek.

Napag-alaman na ang biktima ay si Ellah Joy Pique, 6, ng Barangay Calahoan, Minglanilla, Cebu.

Naaresto ang naturang mga suspek matapos positibong kinilala ng dalawang testigo na saksi sa pagdukot sa bata sa pinapasukang paaralan at sa inilabas na cartographic sketch, tugma ang mga suspek.

Una rito, natagpuan sa isang pampang ang hubo’t hubad na bangkay ng bata na binalot ng bed sheet.

Isasailalim sa interogasyon ang dalawa kasalukuyang nakapiit na. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply