Noynoy dumalaw sa burol ni Reyes

DUMATING nitong Biyernes, Pebrero 11 sa Camp Aguinaldo si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para personal na iparating ang kanyang pakikiramay sa pamilya ni dating Armed Forces chief Angelo Reyes.

Dinalaw ni Pangulong Aquino ang burol ni Reyes kasama sina Interior Secretary Jesse Robredo at presidential spokesperson Edwin Lacierda St. Ignatius chapel.

Sa harap ng kabaong ni Reyes ay masinsinang nag-usap sina Aquino at ang may-bahay ni Reyes.

Una nang sinabi ni Aquino na ipagpapaalam muna niya sa pamilya Reyes kung walang problema na dumalaw ito sa burol ng dating miyembro ng Gabinete.

Bukop kay G. Aquino ay dumating din sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Gregorio Honasan.Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply