Nuggets nilambat ng Nets

MISTULANG nilambat ng New Jersey Nets ang Denver Nuggets nang payukuin nila ito sa iskor na 115-99.

Si Brook Lopez ay kumamada ng 27 points, habang si Devin Harris ay tumipa ng career-high 18 assists.

Tinusta naman ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 117-90 habang ang Orlando Magic ay giniba Memphis Grizzlies 100-97.

Samantala, sa unang pagsalang ni interim coach Frank Vogel sa Indiana Pacers ay dinurog nito ang Toronto Raptors 104-93 habang tinulungan naman ni Dirk Nowitzki ang Dallas Mavericks na maunat ang winning streak nito hanggang sa five games taglay ang 102-92 victory laban sa Washington Wizards.

Kasabay nito, si Al Jefferson ay umiskor ng 21 sa panalo ng Utah  Jazz laban sa Charlotte Bobcats habang si Paul Millsap ay kumana ng 12 rebounds sa kanilang 83-78 win kontra Bobcats. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply