Obama kay Mubarak: ‘Pakinggan ang sakop’

CAIRO, Egypt – Makaraang mabigo ang libong raliyista na mapatalsik si Egyptian President Hosni Mubarak, nang sabihin ng Pangulo na mananatili siya sa pwesto para sa seguridad ng bansa ay umapela naman sa kanya ang pangulo ng Estado Unidos.

Sa pagharap ni US President Barack Obama sa media kaugnay ng krisis sa Egypt, sinabi niyang dapat nang simulan ang mga pag-uusap ukol sa mabilis na transisyon sa Egypt.

“We can’t dictate what an orderly transition means, but it’s time for both of them to roll up their sleeves,” ani Obama.

Kasabay nito, hinimok ni Obama si Mubarak na pakinggan ang sintimyento ng kanyang mamamayan.

Isipin na lang daw aniya ni Mubarak ang legacy na maiiwan nito sa Egypt. Gwenn Salamida

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply