Obama-Pacquiao meeting tuloy na

TULOY na ang pahaharap nila United States President Barack Obama at eight-division world champion Manny Pacquiao ngayong Pebrero sa Washington D.C., pagkumpirma ng White House.

Nakatakdang umalis si Pacman ng bansa ngayong linggo patungong Amerika para sa promosyon ng laban nila ni Sugar Shane Mosley sa Mayo 7, sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kasama sa destinasyon ng promosyon ng Pacquiao-Mosley fight ang Washington D.C., kung saan sila magkakaharap ni Obama.

Excited na si Pacquiao sa paghaharap na ito dahil aniya siya ang kauna-unahang Pinoy boxer na makatutuntong sa White House at isa si Obama sa mga taong hinahangaan niya.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataong haharap ang “Pambansang Kamao” sa isang US president dahil nakaharap na niya si dating US President Bill Clinton nang lumaban siya kay Ricky Hatton.

Samantala, magsisimula sa Pebrero 10 ang promotion tour ng Pacquiao-Mosley fight sa Los Angeles, California.

Tapos ay sa Las Vegas sa Pebrero 12 at sa New York City naman sa Pebrero 14. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply