Obama pupusta kay Pacman

IPUPUSTA ni US President Barack Obama ang kanyang suporta kay 8-division world champion Manny Pacquiao sa laban nito kontra kay 5-time world champion “Sugar” Shane Mosley sa darating na Mayo 7 sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa pahayag ni Michael Koncz, adviser ni Pacquiao, inimbitahan umano ng pound-for-pound king si Obama na manood ng kanilang laban ni Mosley sa MGM Grand ngunit nagpahayag ang US president na hindi sya makakapunta at makakapanood ng “live” ngunit manonood umano ito sa pay-per-view.

Ayon pa kay Koncz, kay Pacquiao kakampi si Obama kahit na si Mosley ay isang Amerikano.

Liban sa boksing kabilang din sa pinag-usapan ng dalawa ay tungkol sa basketball, habang nagkwekwentuhan naman sina Jinkee at US First Lady Michelle Obama.
Sa pagtaya ni Koncz, mahigit isang oras sa loob ng main building ng White House ang mag-asawang Pacquiao sa exclusive luncheon.

Sinasabing si Nevada Sen. Harry Reidang naging daan para sa makasaysayang meeting ni Pacquiao kay Obama bilang bahagi ng kanyang pasasalamat sa tulong para manalo sa halalan noong nakaraang taon sa Las Vegas.

Una rito, masayang sinalubong ni Reid si Sarangani Rep. Pacquiao sa pagdating nito sa Washington mula sa press tour sa New York.

Pinapurihan ni Reid si Pacquiao sa kanyang mga naging achievements sa larangan ng boksing at sa pagsisilbi sa bayan bilang isang mambabatas.WWW.REMATE.PH

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply