Obispo ng Cotabato ayaw ipagpaliban ang ARMM polls

MAHIGPIT ang pagtutol ng isang Catholic bishop sa panukalang ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil posible aniyang magdulot ito ng gulo sa rehiyon.

Ayon kay Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, dapat ituloy ang halalan sa ARMM dahil wala naman umano siyang nakikitang malaking rason para ipagpaliban ito.

Matatandaang marami – kabilang na ang Commission on Elections (Comelec) at Malakanyang mismo, gayundin ang mga opisyal ng ARMM at Moro Islamic Liberation Front (MILF) – ang nagpapanukalang isabay na lamang ang nasabing botohan sa 2013 mid-term elections.

Ayon kay Bagaforo posibleng ang pagpapaliban ng halalan sa rehiyon ay itinutulak upang itulak ang interes ng ilan.

Sa kabila ng panukala, itinakda na ng Comelec ang panahon ng pagpapatala mula Marso 21 hanggang Marso 31, 2011.

Anang Comelec, ang mga maaaring makapagparehistro ay mga mamamayang Filipino na naninirahan sa mga lalawigan ng Basilan (maliban ang Isabela City), Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao (maliban ang Cotabato City) at Lanao del Sur.

Nakasaad din sa resolusyon na anumang aplikasyon para sa pagpapatala, transfer ng registration records, pagpapalit o pagtatama ng entry sa registration records, reactivation ng registration record at inclusion ng registration record o reinstatement ng pangalan sa listahan ng botante ay dapat na personal na isumite sa Office of the Election Officer ng lungsod o munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante. Kyle Gatus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply