Obrero binaril, patay

MAKALIPAS ang  sampung oras na pakikipambuno kay kamatayan aY binawian din ng buhay ang isang 36 anyos na obrero matapos itong barilin ng di nakikilalang salarin,Miyerkules ng hapon sa Port Area Manila.

Kinilala ni MPD-Homicide Section Police Chief Inspector Armand Macaraeg ang biktima na si Bong Kimpo, ng Blk.,6 Baseco Compound Port Area Manila.

Sa report ni SPO3 Danilo Vidad,dakong alas 2:10 ng hapon ng bawian ng buhay si Kimpo sa Ospital ng Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala sa tiyan.

Sa imbestigasyon, napag-lamang hinihintay umano ni Kimpo ang kanyang kaibigan na si Leopoldo dakong alas 4:00  madaling araw ng Miyerkules nang biglang sumulpot ang di nakilalang armadong lalaki at walang sabi-sabing binaril ito ng dalawang beses saka kaswal lang na naglakad papatakas ang salarin.

Nang dumating si Leopoldo ay inabutan na nitong duguan ang biktima kaya agad niyang isinugod sa nasabing pagamutan ang huli subalit binawian din ito ng buhay makalipas lamang ng sampung oras.

Patuloy pa rin ang isinagawang imbestiagsyon ng pulisya para sa pagkakilanlan ng salarin.- Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply