Obrero utas sa basag na bote

PATAY ang 23-anyos na obrero matapos pagsasaksakin ng basag na bote ng kanyang kaibigan dahil sa away sa pera sa Tondo Manila, Miyerkules, Pebrero 23.

Kinilala ni MPD-Chief Police Insp. Armand Macaraeg ang biktima na si Alfred “Klabo” Gonzales, ng 6787 Libis Espina st., Edsa, Caloocan City.

Pinaghahanap na ang suspek na nakilala lamang sa alyas “Bayong” ng Dandan Extension, Tondo Maynila.

Sa report ni SPO2 Edmundo Cabal,ng MPD Homicide Section, alas 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa kanto ng Mata st., at Dandan Extension, Tondo.

Nabatid na nagtalo umano ang dalawa hinggil sa ipinatagong pera ng suspek sa biktima.

Dahil hindi mailabas ni Gonzales ang pera ng suspek ay nairita ito kaya agad kumuha ng bote at pinagbabasag.

Ang basag na bote naman ang ginamit ng suspek na panaksak sa biktima na agad ikinamatay ng huli.

Patuloy naman ang follow up operation ng pulisya upang maaresto ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply