OFW remittance, baka bumagsak dahil sa kaguluhan sa Middle East

MAAARING bumagsak ang mga remittance ng mga overseas Filipino worker (OFW) dahil sa kaguluhan nagaganap sa Libya, Bahrain at Yemen.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Gov. Diwa Guinigundo, bagama’t wala pang nakikitang partikular na epekto ang naturang pangyayari sa Gitnang Silangan ay binabantayan na nila ito upang protektahan ang ekonomiya ng bansa.

Matatandaang pumalo sa 8.2% o halos US$18.76 billion ang pagtaas ng remittances ng mga OFW kumpara sa US$17.35 billion noong 2009.

Batay sa pagsusuri ng ekonomistang si Prof. Ben Diokno ng Unibersidad ng Pilipinas, mayorya ng mga OFW na nasa Libya ay mga skilled worker at malaki ang kita.

Ayon pa kay Diokno, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ng mga Pinoy kaya’t dapat madaliin ng pamahalaan ang paglilikas sa mga ito. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply