OFWs hindi makapupunta sa Yemen, Bahrain, Libya

IPINATIGIL pansamantala ng  Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa mga bansang may nagaganap na malawakang kaguluhan, tulad ng Yemen, Bahrain at Libya.

Ayon kay Atty. Carlos Cao , aministrator ng POEA, sana ay maintindihan ng overseas Filipino workers (OFWs) ang desisyon ng ahensya.

Sinabi ni Cao na ang desisyong ito ay para na rin sa kanilang kaligtasan.

Tiniyak naman ni Cao na oras na matapos ang kaguluhan sa mga nabanggit na bansa ay agad muling ipoproseso ng mga papel ng mga aplikanteng OFW. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply