OFWs na nakulong sa gumuhong gusali sa NZ, nagtago sa lamesa

NABUHAYAN ang ilang kamag-anak ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakulong sa mga building na gumuho sa New Zealand bunsod ng malakas na lindol na tumama kamakaraan sa Christchurch City nang malaman nilang nananatili sa ilalim ng lamesa ang ilan sa kanila.

Nabatid din na dumating na ang mga Japanese rescuers na kumpleto ang gamit sa pagliligtas sa mga survivors sa mga nag-collapse na building.

Ayon kay Dr. Rose Ruiz, leader ng Filipino community sa New Zealand, dumating ngayong umaga ang mga naturang Hapones na kumpleto ang gamit na makatutulong ng malaki sa paghahanap sa mga nawawala pa.

Nabatid din kay Ruiz, nakausap ng isang mister ang kanyang misis na nurse sa cellphone na nananatili sila sa ilalim ng mesa sa Canterbury Television (CTV) building.

Posible umanong buhay pa ang mga kasamahan ng nurse na tatlong lalaki at ilan pang mga babae.

Naaantala rin ang pag-rescue sa mga biktima bunsod ng mga aftershocks na nararanasan pa rin magpahanggang ngayon. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply