OFWs nagpapaalipin sa drug rings dahil sa kahirapan

NANINIWALA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kahirapan ang nagtutulak sa ilang overseas Filipino workers (OFWs) upang maging “drug mule” o tagapagdala ng iligal na droga.

Ayon kay Father Edwin Corros, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Migrant and Itinerant People, ang kahirapan at kawalan ng oportunidad na makakuha ng trabahong may maayos na suweldo ang pangunahing dahilan na nagtutulak sa mga Pinoy upang pumayag sa ipinagagawa ng mga sindikatong banyaga na magpuslit ng droga sa ibang bansa.

Ani Corros, dahil sa kahirapan ay malaki ang posibilidad na kagatin ng OFWs ang alok na magbiyahe ng maliit na bagahe patungo sa ibayong dagat tulad ng China kapalit ng malaking halaga.

Ganito umano ang nangyari sa tatlong Pinoy na nakatakdang bitayin sa China dahil sa kasong drug trafficking.

Umaasa naman ang CBCP official na maraming aral ang matututunan mula sa kaso ng mga Pinoy.

Pinayuhan pa ng Obispo ang pamahalaan na bantayang mabuti ang mga exit sa bansa upang hindi makalusot ang mga drug mule at mahuli pa sa mga bansang nagpapatupad ng parusang bitay. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply