OFWs pansamantalang mananatili sa OWWA

PANSAMANTALANG  mananatili sa Overseas Worker and Welfare Administration (OWWA) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) mula Jeddah, Saudi habang inihahanda ang kanilang pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Dumating ang ikalawang batch ng OFWs  mula Jeddah, Saudi Arabia kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Nabatid na karamihan sa kanila ay pinagmalupitan ng mga amo, o kaya naman ay nagkaroon ng problema sa mga trabaho sa Jeddah kaya napilitan na lamang umuwi ng bansa.

Ayon kay Adminstrator Carmelita Dimson, 54 overseas workers ang bumalik sa bansa, 38 sa mga ito ay babae at 16 naman ay mga bata.

Sinabi pa ni Dimson na ang OFWs na nasa kanilang pangangalaga ay kanilang bibigyan ng meal assistance, maging ang kanilang mga anak habang inihahanda ang kanilang iba pang
dokumento para makauwi sa kanilang mga lalawigan.

Napag-alamang ilan din sa mga dumating na OFWs ay may karamdaman at nangangailangan ng kaukulang medical assistance. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply