OFWs sa Bahrain di pa apektado sa kaguluhan

KINUMPIRMA mismo ni Philippine Ambassador to Bahrain Corazon Yap-Bahjin na hindi pa apektado ng kaguluhan sa Bahrain ang mga OFW doon.

Ayon sa ilang OFW sa Bahrain, nananatiling tahimik sa malaking bahagi ng bansa maliban sa Pearl Square sa Manama na  sentro ng mga kilos-protesta.

Mismong ang mga OFW sa Bahrain ang nagsasabing hindi pa delikado ang situwasyon para sa kanila sa kabila ng mga demonstrasyon.

Ang Bahrain ay pinamumunuan ng Sunni Muslim na Royal family na inirereklamo ng mga raliyista ng korapsyon.

Ayon kay Bahjin, may koordinasyon na sila sa mga Filipino community sa nasabing bansa at kanilang pinagbawalan na sumali ang mga ito sa mga protesta.

Sinabi pa nito na wala silang natanggap na ulat na may Pinoy na namatay o nasugatan sa kaguluhan sa mga kilos protesta sa Bahrain.

Una rito, sinabi ni Bahjin na may nakalatag nang mga contingency plan sa 40,000 na mga Pinoy sa Bahrain sakaling sumiklab pa ang kaguluhan sa nasabing bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply