OFWs sa Libya hanapin at iuwi at heroin sa Naia

SA lahat ng mga Arabong bansa na kinukulit ng mga People Power, itong Libya ang pinakamabangis.

Sabi ng mga nagrarali, nasa 200 na ang namamatay sa kanila sa iba’t ibang lugar. Ayon naman sa gobyerno, nasa 80 lamang.

Pero alinman ang tama sa mga pahayag na ito, ang mahalaga ay violent ang sitwasyon sa Libya.

Ang nagpapalala sa sitwasyon ay ang pagbaligtad ng ilang militar na bata-batalyon ang laki laban sa mga Kadhafi. Kumakalas na rin sa mga Kadhafi ang ilang tribu na may mga armadong puwersa.

Dahil apektado na ang lahat ng lugar sa nasabing bansa, naalaala natin ang libo-libong overseas Filipino worker doon.

Maraming OFW ang naka-deploy sa mga minahan ng langis, ospital at  pamahalaang Libya.

May mga kakilala tayo sa mga ito at naputulan tayo ng linya sa kanila dahil pinagpuputol ng Libyan government ang kanilang mga koneksyon sa internet at telepono.

Ano-ano na ang ginagawa ng pamahalaan para sa mga OFW? Dapat mabilis at decisive ang aksyon ng pamahalaan dito. Mungkahi natin na bunutin natin ang sinomang OFW na available na umalis sa lugar at dalhin sila sa mga ligtas na lugar.

Nasaan na ang mga opisyal at tauhan ng pamahalaan na mag-aasikaso sa OFWs? Naroon na ba sila mismo sa Libya at gumagawa na ng mga evacuation para sa mga ito?

oOo

Isa pa sa dapat asikasuhin ng pamahalaan ang istriktong pagbabantay sa ating mga airport laban sa mga international drug syndicate.

Paano nakapapasok at nakalalabas ng bansa ang mga kilo-kilong heroin?

Bibihira tayong makahuli nito samantalang marami ang nasasakote ng mga nasa Mainland China.

Huwag sabihin na bulag ang mga mata ng mga guwardiya at sinisipon ang mga sniffer dog, gayundin na palpak ang mga x-ray machine sa NAIA at iba pang international airport natin.

Ang dapat na silipin ng mga kinauukulan ay ang koneksyon ng mga sindikato sa mga humahawak sa ating mga airport.

Sino-sino ang mga kasabwat nila?

Kawawa naman ang mga OFW na binibitay at ibinibilanggo dahil sa droga sa ibang bansa.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph-Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply