Ogie, Regine purnada ang Valentine date

TILA napaaga ang celebration ng Valentine`s Day ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Sa Araw ng mga Puso kasi ay may taping si Regine, at si Ogie ay ganun din. Hindi puwedeng pabayaan ni Ogie ang taping niya sa “Bubble Gang” dahil siya at si Michael V ang nagbibigay kasiyahan sa gag show.

Kaya walang chance na mag-date sila ng mismomg Feb.14 dahil mula umaga hanggang gabi raw ay nasa trabaho sila.

Sabi ni Regine, posibleng pagkatapos ng concert na lang nila ni Pops Fernandez sa Crowne Plaza Hotel sila mag-date or puwede rin pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo.

Kuwento ni Regine, guest din daw siya sa concert ni Pops at Ogie kaya puwede raw talaga na ituloy na nila sa date ang eksena. Or puwede rin raw na mag-check in na lang sila ni Ogie sa isang bonggang hotel sa Makati pagkatapos ng Sunday show nila para salubungin na rin ang Valentine`s Day.

Espesyal kasi kina Regine at Ogie ang Valentine`s Day ngayong 2011 dahil ito raw ang unang Valentine nila na kasal na sila. Ayaw na lang daw mag-effort ng dalawa na mag-isip kung ano ang magiging drama nila sa Valentine`s Day dahil makadadagdag pa raw ito ng pagod sa kanila.

Gusto lang ni Regine ay kumain sila sa isang masarap na resto at makapag-bonding silang mag-asawa. Mula raw kasi nang sumabak sila sa trabaho mula January 2011 ay naging abala na sila.

****

MARAMI ang humanga ngayon sa kaguwapuhan ni Zoren Legaspi. Tila hindi raw ito tumatanda at sa halip ay parang bumata pa ito.

Natawa at isang ngiti naman ang naging tugon ni Zoren nang tsikahin namin na marami ang nakapansin na mas guwapo siya ngayon kaysa noong hindi pa sila nagsasama ni Carmina Villaroel.

“Ako kasi yung taong walang pakialam sa mundo. Kapag walang trabaho, pahinga at tulog lang ako. Di ako nagwo-worry, hindi tulad ng ibang artista na tawag kaagad kapag walang project. Pero sa totoo lang, matagal din akong nabakante at gusto ko na ring tumawag sa mga bosses para magka-project. Buti na lang may project ako ngayon sa isang teleserye.

“At secondly, huwag na huwag kang mangungutang. Kapag nagkataon, kayod to death ka talaga para mabayaran ang mga utang mo. Basta ako mabayaran ko ang electric bill, kuntento na ako,” dagdag pa ni Zoren.

Ano naman ang balak nila ni Carmina at kambal na anak sa darating na Valentine`s Day?

“Siguro sa bahay lang kami magse-celebrate ng Valentine`s Day. Kasi makasama lang namin ang kambal namin ay solve na solve na kami ni Carmina. Ang daldal ng dalawa. Kasama lang namin sila ay nag-enjoy na kami. Bakit pa kami lalabas ng bahay. Sa bahay mas lalo kami nakapagba-bonding,” kuwento pa ni Zoren.

Ten years old na ang kambal nila at yun daw babae ay gustong mag-artista pero ayaw na ayaw raw ni Carmina.

“Baligtad, imbes na ‘yun lalaking anak namin ang magkahilig mag-artista ay ‘yung babae ang may gusto na ayaw naman payagan ni Carmina. Ako, okey lang sa akin kung yung talaga ang gusto ng anak ko. Pero importante ay makapagtapos sila ng pag-aaral bago ang lahat,” tsika pa ni Zoren.

Sekreto niya sa pagiging mukhang bata. Aside sa huwag mangungutang ay laging nakangiti at huwag seryosohin ang problema. Gerry Ocampo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply