Oil price hike, hindi maiiwasan — DOE

AMINADO ang Department of Energy (DOE) na hindi na maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa tumitinding kaguluhan sa Gitnang Silangan, partikular sa Libya.

Sinabi ni Energy Secretary Jose Almendras na pinipilit ng kagawaran na maibsan man lamang ang epekto nito lalo’t bahagya pang humina ang piso.

Bagama’t hindi aniya direktang kumukuha ng produktong petrolyo ang Pilipinas mula sa Libya at maliit na porsyento lamang ang isinusuplay nito sa buong mundo, tumataas naman ang presyo ng oil products bunsod ng mga espekulasyon sa trading.

Umaasa aniya silang lumambot kahit kaunti ang international prices bago matapos ngayong linggo.

Inihayag ni Almendras na wala pa namang tugon ang mga kumpanya ng langis sa apelang huwag biglain ang publiko sa magpapatupad ng oil price increase.

Ayon kay Energy Usec. Jay Layug, nagkaroon ng magandang resulta ang kanyang pagpunta sa Saudi Arabia kung saan napag-usapan nila ang seguridad sa supply ng langis sa buong mundo.

Pero dahil sa pangamba ng mga lokal na suppliers ang oil shortage patuloy pa rin tumataas ang presyo nito.

Samantala, nagpahayag naman ang sector ng transportasyon sa bansa na pansamantalang hindi muna sila hihingi ng dagdag sa singil ng pamasahe kahit may naka amba na P2.50 oil price hike sa susunod na buwan. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply