Oil price hike pa

MULI na namang nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng petrolyo ang mga dambuhalang kompanya ng langis makaraang itaas ng 50 sentimos kada litro ang presyo ng kanilang produkto umpisa ng hatinggabi kanina, Pebrero 22.

Dakong 12:01 ng madaling araw nang pangunahan ng Filipinas Shell ang pagtataas ng .50 sentimos kada litro sa mga produkto nilang regular, premium, unleadead na gasolina, diesel at kerosene.

Sumunod naman ang dalawa pang miyembro ng Big 3 na Petron Corporation at Chevron Philippines dakong 6 ng umaga ng kahalintulad na presyo sa nabanggit din na mga produkto.

Ikinatwiran ng mga kumpanya ng langis ang mataas pa ring contract price ng krudo sa internasyunal na merkado na hindi pa rin nagbababa dahil sa patuloy na krisis sa mga bansa sa Gitnang Silangan.

Sa kabilang dako, lumobo ngayon ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan sa gitna ng malawakang political tensions sa Middle East.

Tumaas ng $2.50 per barrel ang presyo ng Brent crude sa pandaigdigang pamilihan, kung saan ito na umano ang highest record sa nakalipas na mahigit dalawang taon.

Ang reaksyon ng merkado ay dulot na rin ng pangamba ng investors sa mga nangyayaring kaguluhan sa Bahrain, Libya at Yemen.

Ang Libya ay isa sa major oil producers sa Gitnang Silangan kung saan mahigit isang milyon na bariles ng krudo kada araw ang inaangkat nito. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply