Ombudsman hindi tatantanan ang AFP fund scam probe

HINDI hadlang ang pagpanaw ni dating Armed Forces chief Angelo Reyes sa pagtukoy kung sino ang mga dapat managot sa anomalya sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), pagtitiyak ni Ombudsman Merceditas Gutierrez nang kapanayamin ng Remate.PH sa kasagsagan ng pagdinig ng House committee on justice, Martes, Pebrero 8.

Kasabay nito ay nagpahayag si Gutierrez ng kanyang pakikiramay sa pamilya Reyes.

Maging si dating Col. Ariel Querubin, na dumalo rin sa pagdinig ng nasabing komite, ay nagulat sa pagpapakamatay ni Reyes.

Ani Querubin na nakapanghihinayang na hindi na malilinis ng dating heneral ang kanyang pangalan.

Kasabay ng kanyang pakikiramay sa pamilya ay sinabi ni Querubin na wala sa personalidad ni Reyes, batay sa kanyang pagkakakilala rito, ang magpakamatay.

Aminado naman si Querubin na natitiyak niyang may kinalaman ang pagkakasangkot ni Reyes sa AFP scandal sa kanyang pagpapakamatay. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply