Ombudsman lumutang sa Garcia deal probe

MATAPOS makatanggap ng subpoena, sumipot ang buong puwersa ng mga opisyal ng Office of the Ombudsman sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara de Representantes sa kontrobersiyal na plea bargain deal sa kaso ni dating military comptroller Carlos Garcia.

Ayon kay Marikina Rep. Miro Quimbo, kinumpirma ng mambabatas ang presensiya ngayong Martes ng umaga ni Ombudsman Merceditas Gutierrez at ng kanyang special prosecutors sa congressional inquiry ng House committee on justice.

Kabilang aniya sa mga dumalo ay ang mga dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief na sina Alexander Yano, Dionisio Santiago, Narciso Abaya at Generoso Senga.

Maging si dating Executive Secretary at Defense Secretary Eduardo Ermita ay humarap din sa hearing.

Maaalala na sa unang pagdinig ng komite noong nakaraang Enero 25, binoykot nina Gutierrez ang Kamara kasabay ng paggiit na hindi saklaw ng kapangyarihan ng Kongreso ang Ombudsman dahil ito ay isang “constitutional and independent office.”

Sa nasabing pagdinig, inamin ni Garcia na para umano sa kapakanan ng kanyang pamilya, na ngayon ay nakakulong sa Amerika, ang dahilan kung bakit napilitan siyang pumasok sa plea bargain deal sa Ombudsman.

Ang asawa at dalawang anak ni Garcia ay hinuli ng awtoridad ng Estados Unidos matapos marekober sa kanilang bagahe ang $100,000 na umano’y “undeclared cash.” Gwenn Salamida/Photo by Ivan Gaddia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply