Ombudsman nadikdik sa plea bargaining probe

NAGMISTULANG bawang si Ombudsman Merceditas Gutierrez nang “pagtulungang” dikdikin ng ilang senador hinggil sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa plea bargaining agreement ni dating ex-Gen. Carlos Garcia, dating AFP comptroller  Huwebes, Pebrero 03.

Sa pagtatanong ni Sen. Franklin Drilon kung kayang bawiin ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang mosyon na nagpapahayag na aprubahan ng korte ang plea bargaining agreement ni Garcia ay hindi kaagad nakasagot si Gutierrez.

Ayon kay Drilon, dapat magkaroon na ng ideya ang Ombudsman upang bawiin ang plea bargaining agreement ni Garcia base sa sinumpaang testimonya nina dating AFP budget officer Lt. Col. George Rebusa at COA Special Auditor Heidi Mendoza.

Hindi makasagot si Gutierrez sa katuwiran na may prosesong dapat sundin ang Office of the Ombudsman bago makapaghain ng pagbawi sa korte hinggil sa manipestasyon nito partikular sa plea bargaining agreement.

Sa puntong itong, pumasok naman si Sen. Teofisto Guingona III sa pagtatanong kung kaya niyang magsabi sa Sandiganbayan na alisin muna sa desk nila ang plea bargaining agreement habang iniisip nito ang justification sa pagbawi.

Hindi pa rin makasagot si Gutierrez kaya biglang tumugon si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa pagsasabing “kailangan lamang na maghain ng manipestasyon ang Office of the Ombudsman na pansamantalang babawiin ang mosyon sa plea bargaining habang sinusuring muli ang kaso.”

Saka lamang sumang-ayon si Gutierrez na maghahain siya ng kaukulang manipestasyon sa Sandiganbayan upang pansamantalang bawiin ang plea bargaining agreement ni Garcia. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply