Operator ng pagawaan ng sinulid nilamon ng makina

TODAS ang isang operator ng pagawaan ng sinulid matapos maipit at madurog ang katawan sa kanyang ino-operate na makina  sa Barangay Viente Realis Valenzuela City, Martes ng hapon, Pebrero 22.

Kinilala ang biktima na si Juanito Carño 49, ng 83 Bocal Lawa Maycuayan Bulacan

Sa imbestigasyon ng Station Investigation Division ng  Valenzuela City police, 12:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng pinapasukang pabrika ng biktima Viente Reales, nasabing lungsod.

Nabatid na abala ang biktima sa pagsasagawa ng kanyang trabaho bilang operator sa pagawaan ng sinulid nang biglang kainin ang kanyang katawan ng makina, na kanyang agad na ikinamatay.

Kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente. Roger  Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply