Operator, train buddy ng LRTA sinuspinde

MATAPOS ang salpukan ng dalawang coach ng tren sa Roosevelt Station, Quezon City nitong nakalipas na linggo ay isinailalim sa preventive suspension  ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operator at train buddy nito.

Nabatid kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, anumang oras sa araw na ito ay sasampahan na nila ng kasong administratibo ang dalawa sa korte at kasong kriminal sa piskalya.

Tumanggi muna si Cabrera na pangalanan ang dalawa hangga’t hindi naihahain ng kanilang legal team ang nabanggit na kaso sa dalawa na drayber ng tren ng  southbound lane.

Batay sa internal investigation ng LRTA, abala sa cell phone ang operator kung kaya hindi napansin na overspeeding na ang takbo at hindi huminto sa mandatory stop bago dumating sa switching o reversing track.

Iginiit  ni Cabrera, isasama na rin nila sa asunto ang train buddy nito dahil lumalabas na nalibang ito kung kaya huli na ng mabitawan ang break system.

Aniya, absuwelto naman sa anumang liability ang dalawang operator ng tren na nasa northbound lane dahil walang nakitang kapabayaan ang binuong fact finding team.

Paglilinaw ni Cabrera, hindi pa maaaring masibak ang dalawa dahil nasa preventive suspension pa sila na hindi lalagpas ng 90 days.

Sakaling mapatunayang guilty ang dalawa ay agad silang papatawan ng kaukulang parusa at posibleng matanggal sa serbisyo depende sa grounds diin pa ni Cabrera. Santi Celario

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply