Opisyal ng Mandaluyong tinambangan, patay

ISANG opisyal ng Mandaluyong City ang tinambangan at binaril ng naka-motorsiklo sa naturang lungsod, Biyernes ng gabi.

Ayon sa report ng dzBB, sakay ng gray Toyota Fortuner si Jun Torres, political adviser ng lungsod,  nang barilin sa ulo  ng salarin sa Barangka Drive, Brgy. Barangka.

Agad na isinugod sa Mandaluyong City General Hospital si Torres, ngunit inilipat sa University of Santo Tomas Hospital sa Manila, ngunit binawian din ng buhay.

Iniimbestigahan ng pulisya na tatlong salarin ang sangkot sa krimen kung saan naging dalawa ang lookout, at isang bumaril na nakasuot ng light-brown polo shirt.

Batay pa sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente bandang 9:45 p.m., nang barilin ng gunman si Torres nang makitang nakababa ang bintana ng sasakyan ng biktima. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply