Opium, ginagamit ng Kebab resto – Tito

IBINULGAR ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III sa Senado na gumagamit ng opium  ang ilang malalaking restaurant partikular ang paglalagay ng  poppy seeds sa ibabaw ng tinapay at naibebenta din ng illegal drug sa ilang malalaking grocery, bakeshops at supermarket.

Sa kanyang privilege speech sa Senado nitong Valentine’s Day, sinabi ni Sotto na nakakuha siya ng report mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagsagawa ng test buy ang awtoridad sa Persian Kebab Restaurant na pawang source ng opium sa Maynila.

Kinilala ni Sotto ang hinihinalang tulak ng opium na isang Leeyouvenhouk Baroutian, 51, may asawa at nakatira sa 850 G. Ibarra St., Sampaloc, Maynila.

“Pag-aari niya ang apat na world class Persian Restaurants sa Santolan, Pasig City; Tomas Morato sa Quezon City; Pioneer, Mandaluyong City at Sucat, Paranaque City,” ayon kay Sotto.

Ayon kay Sotto, ibinubudbod ni Baroutian ang opium poppy seeds sa ibabaw ng bawat tinapay na ibinebenta sa Persian Kebab o kung minsan, inihahalo naman sa arina na may layunin na kumain ka nang kumain o ma-adik sa kanilang produktong pagkain.

“Because poppy seeds derived from the poppy plant enhance the looks and taste of food and bakeray products, bakers use the culinary argument as redeeming value of poppy seeds,” paliwanag ni Sotto.

Inihayag pa ni Sotto na nadakip din si Baroutian ng NBI sa Blumentritt St., Sampaloc, Maynila habang may dalang 15 gramo ng opium saka kumuha ng search warrant upang lusubin ang tahanan nito na kung saan nakakuha ng mas marami pang droga.

“Found and seized were 55 grams of opium and 9 grams of marijuana. He was brought to the NBI where he is detained. Baroutian was then referred to the Office of the Manila City Prosecutor for inquest proceedings. Probable cause was found to indict him for violation of Section 5 and 11 of RA 9165 with no bail recommended,” giit ni Sotto.

Ibinulgar ni Sotto na mayroon nang plantasyon ng opium poppy sa Barangay Paoay, Halsema Highway, Atok, Benguet, Cordillera Region na siyang hinihinalang pinagkukunan ng suplay ni Baroutian kaya’t nais nitong paimbestigahan sa Senate committee on illegal drugs ang naturang ulat.

“Opium poppy plantation in our midst is no laughing matter. Those poppy seeds openly sold as food condiments today may well be the precursors of huge opium poppy plantation in the future,” giit niya.

“For now, I want to call attention to this flagrant violation of R.A. 9165 by supposedly reputed stores of high end food and bakery products of selling poppy seeds.  I therefore urge all outlets of these poppy seeds to cease and desist from offering these as condiments.  It is illegal. I call on law enforcement operatives to include this information in their operations on anti-illegal drug activities,”patapos niya. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply