Ordinaryong mamamayan, emosyonal sa libing ni Reyes

“UNEQUAL Act of Supreme Sacrifice”

Ito ang nakasulat sa kapirasong puting kartolina na inilagay ng isang pangkaraniwang mamamayan na nakiramay at nakipaglibing kay dating Department of National Defense (DND) chief Angelo T. Reyes na inihimlay sa Libingan ng mga Bayani kanina, Pebrero 13.

Walang nakakakilala sa taong naglagay ng puting kartolina sa puntod ni Reyes na nakasulat ang ang “Unequal Act of Supreme Sacrifice, God Bless You, Angelo T. Reyes.”

Sa panayam sa ilang kaanak ni Reyes, sinabing walang nakakakilala sa taong naglagay ng naturang kartolina, na malamang, nakiramay lamang umano kaya nasabi ang pariralang tumutukoy sa pagpapakamatay ng dating kalihim ng DND.

Makikita rin sa paligid ng Libingan ng mga Bayani ang ilang poster na nagpapahayag ng madamdaming pakikidalamhati sa pamilya ni Reyes.

Napansin din ang isang malaking tarpaulin malapit sa puntod ni Reyes ang isang pariralang nagsasabing “Ano pa ang silbi ng iyong paglilingkod sa bayan, kung dudungisan naman ng iilan?” tanong ng Parilla Familly na dumalo sa libing.

Nitong Linggo, Pebrero 13, inihatid si Reyes sa huling hantungan nito sa Libingan ng mga Bayani sa Dignitary Section matapos ang full military honors ng mahigit isang batalyong sundalo na nagbigay ng 19 gun salute bilang pagkilala sa pagiging dating opisyal at 21 gun salute bilang pagkilala naman sa pagiging kalihim ng DND.

Pagkatapos mailagay sa puntod ang dating kalihim ng Department of Energy (DoE), nagpalipad ng puting lobo at nagpakawala ng paru-paro ang kaanak at kaibigan ni Reyes.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang paru-paro na dumapo sa isang kaanak ni Reyes saka ibinigay sa isang apo ng dating heneral na tuwang-tuwang tinanggap ang insekto na mababakas sa kanyang kamusmusan ang kawalan ng malay na iyon na ang huli nilang pagkikita ng kanyang lolo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply