Ouschan, Fisher sa PHL open

KUMPIRMADONG lalahok sina reigning World Women’s Ten Ball champion Jasmin Ouschan ng Austria at multi-titled Allison Fisher ng United Kingdom sa 2011 Philippine Open Pool Championships sa April 6-11 sa Megatrade Hall ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Si Ouschan, na naging crowd darling ilang taon na ang nakararaan sa paglahok sa torneo sa bansa, ay nagpasyang magbalik sa two ranking tour events na suportado ng World Pool-Billiard Association.

Ang Austrian lass ay sariwa pa sa panalo sa malaking pool noong November ng nakaraang taon, ang 2010 Women’s World Ten-Ball Championship.

Samantala, si Ouschan kahit babae ay Austria’s undisputed top cue-artist at itinanghal na two-time sportswoman of the year. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply